Bakit ganoon, ang dami dami kong naiisip na bagay ngayon? Dahil ba wala akong kausap? Dahil ba wala akong masabihan ng problema ko? Siguro oo, na naging resulta kung bakit nagawa kong isulat ang mga pangungusap na ito na dapat pala ay dati ko nang na’realize.
Wala naman mali, pero bakit parang hindi na tama ang lahat. Dahil ba may hinahanap ako na hindi ko makita sa kanya? Hindi naman ako ganito dati. Bakit hindi naaayon ang nararamdaman ko sa situation? Bakit parang ngayon ko lang naiisip ang realidad na dati ay isinantabi ko lang? Dahil ba may isang tao na nagpamulat sa maling mga desisyon na nagawa ko noon? Pero bakit dati, may mga taong halos iumpog na ulo ko dahil sa pagka-martyr ko ngunit isinawalang bahala ko lang ang mga payo nila? Hindi naman ako nagsisisi sa mga pagpapatawad na nagawa ko, pero bakit pakiramdam ko- “It’s TOO MUCH”. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses ko binigyan ng isa pang pagkakataon na maitama niya ang lahat ng mali. Pero kakayanin ko pa ba ang magkaroon ng pang-APAT? May mga tao ba talagang mapangabuso kung kaya hindi na sila natututo sa mga maling ginagawa nila dahil alam nilang in the end, mapapatawad sila sa kanilang nagawang kasalanan?
Naisip ko, paano kung nabaligtad na ang mga sitwasyon. Na ako ang nanloko. Kaya rin ba niyang magpatawad katulad ng pagpapatawad ko? Kaya niya rin bang magpaka-martyr kagaya ko? Maging pikit mata kahit alam niyang ang sakit sakit na? Isa, dalawa, tatlo. Kaya rin ba niyang magpatawad kung sakaling nagkamali ako?
Puro ako tanong pero wala ako makuhang kasagutan.
Pero may isa akong taong gustong pasalamatan. Dahil sa kanya, namulat ako sa realidad ng buhay. Para sayo, SALAMAT! <3
Anay tanga? ANET?! Wahahaha! Ang drama ko! Anyway, nagawa ko lang ‘to because boredom.
MiTCHiE <3




